"Galit ka na naman?"
Ang tanong ko sa kanya.
Di naman siya tumutugon,
Bagkus umiirap pa.
Halos apat na buwan na rin
Mula nang siya ay maging akin
Subalit ang puso ko'y humihiling
"O Diyos, nawa kami'y pagtibayin."
Madalas na ako ay kanyang awayin.
Di ko alam ang dahilan, ayaw niyang sabihin.
Pero, 'pag ganito ako'y kinikilig pa rin.
Iniibig ko siya kahit ang sinta ko'y matampuhin.
Kapag nagagalit ang aking mahal,
Lalong umiigting ang aking pagmamahal
Dahil alam ko na siya ay naghihintay lamang
Na haplusin ko ang kamay at siya ay aking hagkan.
Di man kami laging magkasundo,
Siya lamang ang laman ng aking puso.
Kapag nagagalit siya, lalo ko siyang minamahal.
Kami hanggang wakas ang aking dasal.


kahanga-hanga!
TumugonBurahinisang natatanging likha!
ikaw ay aking binabati sa obra maestra mong gawa!
sadyang walang katulad, natatanging talaga!
mula sa kaibuturan ng iyong damdamin
pagsusumamong nararapat lamang na dinggin
nakatitiyak na ang Diyos ay didinggin
hindi ka nya bibiguin sa iyong panalangin! (: